Saturday, October 24, 2009

MENSAHE NG PAG-ASA by Lotts Fabellore



Sa dami ng mga trahedyang patuloy na nararanasan ng ating bansa- bagyo, kahirapan, kagutuman, sakit, krimen, at lamatayan, ang madalas bigkasin ng marami, “kailan ba tayo giginhawa?”

Sa mga banta ng muling paghyagupit ng kalikasan na paulit-ulit na ibinabalitang ito’y paparating na naman, ang tugon ng bayan, “wala nab a itong katapusan?”

At isipin na lang na ang lahat ng ito ay siyang bunga n gating mga maling aksyon sa ating kalikasan, sa ating kapwa, sa ating sarili at sa Maykapal higit pang nagugulumihanan an gating kalooban, “may magandang bukas pa kayang naghihintay?”

Nasaan ba si God sa mahirap na panahong ito? Tumingin kang mabuti sa paligid. Hindi mo ba nakikita ang pagsasakripisyo ng mga institusyon at mga indibidwal na halos ibigay ang buhay mailigtas lang ang mga nalagay sa panganib? Hindi mo ba pansin ang masigasig na pagbibigay tulong n gating mga kababayan maging ng mga dayuhan? Lingid ba sa’yo ang pagsiskap ng mga simbahan upang ibangon ang moral ng mga nasalanta? Ang mga ito, mismo, ang mapagligtas, mapagmahal at mapagkalingang kamay ng Maykapal. At tayo, maaari pa anting dugtungan ang mapagpalang kamay na’to.

Hindi lang tayo ang dumaan sa ganito kadilim at kasukal na landas ng buhay maging ang mga banal na lingcod ng Diyos ay dumanas ng labis na hirap at hinagpis ngunit sa kabila ng lahat, ito ang binigkas ng propeta Jeremiah,

“Simpait ng apdo ang alalahanin sa aking paghihirap at kabiguan…

Gayunma’y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naaalala kong:

Pag-ibig mo, Diyos, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo’y walang

Kapantay. Ito ay laging bago bawat umaga; katapatan mo’y napakadakila.”

Magsisi sa ating mga kamalian at magtiwala sa pagmamahal n gating Amang nasalangit dahil gaya ng Dakilang Pastol na nakatagpo sa kanyang nawawalang tupa ay masaya tayong papasanin ni Jesus sa kanya ring bubuhatin ang ating mga kabigatan at pasakit. Nasa Kanya, ang siguradong kaginhawaan ng Ngayon at Bukas. Manalig at Magtiwala sa Kanya!