Gulo sa Pulitika, Impeachment ibinasura
Ekonomiyang bagsak, piso'y anong halaga?
Presyong pataas ng pataas, humihirit pang gasolina,
Aking kababayan sa Diyos ay umasa pa.
Anak mo'y bulakbol at asawa'y sugarol,
Sila nga'y magkasundo sa Nicotine at Alcohol.
At ikaw sa araw-araw, labahan ang kaulayaw,
Kawawang Inay, halika't kay Yahweh ay humiyaw.
Amang responsable...asawa ay..."di na bale!"
Arabia'y ginalugad, mahanap lang ang suwerte.
Ngunit pamilyang iniwan tila yata na-peste,
Bro, sa Kanya'y lumuhod at Siya ang didiskarte.
Kabataang may pangarap ano't ito'y mailap,
May talino't may tiyaga lubos ang pagsisikap.
Sikmura'y kumakalam sa bulsa'y walang makapkap,
Humingi't may magbibigay, makakatagpo kung maghahanap.
Hindi ba't nagwika ang kapatid na Santiago,
Na sa mga pagsubok na ito ay MAGALAK tayo!
Dahil kung magtatagumpay tayo'y, tatatag lalo,
At ang pag-ibig at kalinga ni AMA'y mararanasang totoo.
Friday, August 25, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment