Ikaw ag haligi ng aming tahanan,
Lakas ng iyong bisig ang tanging tanggulan.
Imahen ka ng pag-ibig at katapangan,
Pamilya ay nakahilig sa iyong katatagan.
Buong tiyagang nagbabanat ng buto araw-araw,
Sa gayon ang ginhawa'y 'di lang maabot ng tanaw.
Disiplina't aral sa puso't isip ko'kinikintal,
'Di kinakaligtaan ang pagsuyo sa minamahal.
Mahal kong ama, ako'y may hindi mawari,
Kay raming pamilya ngayo'y nangungulila't humihikbi.
Nasaan ka ama? Tila ikaw ay nagkukubli!
Nananabik na akong, masilayan kang muli.
No comments:
Post a Comment